FOR SALE
- machine for VCO making (grater, presser, beater, filter)
- herbal teas(coconut tea, ampalaya tea, etc.)
- juices (mangosteen, noni, dalandan, etc.)
- food supplements
text 0926-6746235 or call 757-2869(virlyn vidad)
›› ABOUT BAHAY KUBO
Bakit Bahay Kubo?
Ang Bahay Kubo bilang isang kaisipan o konsepto ay may malalim at malawak na kahulugan na dapat na unawain:
- Ang Bahay Kubo bilang isang bahay.
- Ang hugis at ayos nito ay ayon sa disenyo sa bawat lugar. Karaniwan ito ay simple. Ang mga haligi ay kawayan pati ang hagdan at ang sahig. Ang bubungan at dingding ay pawid ang ginagamit. Maging ang pako at ang panali man ay gawa sa kawayan.
- Ayon sa laki at pangangailangan ito ay may sala, kusina, kainan at isa o higit na silid o kuwarto. Ang bahay ay angat sa lupa mataas na pang-iwas sa baha. At gayundin naman ito ay may silong para sa mga manok at ibang hayop.
- Dahilan sa ang kawayan at pawid, buho at kugon ay mabilis at maraming tumubo sa kapaligiran, ito ang mga ginagamit na kaya ng mga karaniwang Pilipino. Ang kung kailangang palitan bunga ng mga bagyo, baha o maging ng sunog, ito ay madaling nagagawa dahil abot-kaya ang halaga at maraming gamit na mabibili.
- Ang laki nito ay karaniwang nagpapasimula sa maliit na kailangan ng bagong kasal o mag-asawa. Sa pagdami ng mga anak o ng pamilya, madaling nadaragdagan o nadudugtungan ng kuwarto o ibang parte.
- Ang Bahay Kubo bilang katutubong awit.
- Ang Bahay Kubo ay naging popular bilang isang disenyo ng bahay at ganoon din naman bilang isang katutubong awit (folk song). Maitutuing ito na pinakapopular na katutubong awit na alam ng mga Pilipino sa apat na sulok ng bansa. Ang marami bagaman hindi ito itinuturo at pinag-aaralan ay madaling natututuhan. Alam ito ng mga Luzon, Visaya at Mindanao. Ang himig nito ay simple at waring may indak na galing sa Kastila ngunit hindi maitatanggi na ito ay katutubong Pinoy.
- Ang nilalaman ng awit ay binabanggit ang simpleng pamumuhay ng mga karaniwang mamamayang Pilipino. At bagaman maliit ang bahay ay sagana naman sa mga halamang pagkain.
- Ang Bahay Kubo bilang isang pamamaraan ng pagtatanim ng masustansya at masarap na gulay
Ang Bahay Kubo ay nagtuturo ng mga masustansyang mga halamang pagkain na dapat na itanim. At ang mga ito ay mayayaman sa protina at mga bitamina na kailangan para sa malusog na pangangatawan at panlaban sa malnutrisyon at mga sakit.
- Ang Bahay Kubo bilang isang pamamaraan ng buhay
Ang Bahay Kubo ayon sa awit ay isang pamamaraan ng buhay (way of life). ito ay maituturing na simple at ang sinoman at karaniwang Pilipino at saan man sila nakatira - kapatagan, bundok, tabing dagat at maging sa siyudad ay maaring magtayo nito at kanilang tirahan. Bagaman ito ay munti at payak, sa pagkain ay di salat kundi sagana at sapat sa pang-araw-araw na pagkain at kabuhayan. Kailangang ipamuhay ito na pamamaraan ng buhay.
- Ang Bahay Kubo bilang sapat at likas kayang produksyon ng halamang pagkain
Gayundin naman ayon sa Bahay Kubo , ito ay may likas kaya at sapat na pantugon sa pagkain ng mga naninirahan doon. Ang 18 halamang pagkain na binabanggit sa awit ay ilan lamang sa mga maaring itanim sa paligid ng Bahay Kubo
- Ang Bahay Kubo bilang tuloy-tuloy na pagtatanim ng 365 araw sa buong taon
Ang Bahay Kubo ay nagtuturo ng pagtatanim ng mga halamang pagkain araw-araw at tuloy-tuloy sa loob ng 7 araw sa isang linggo, 30 araw sa isang buwan, 12 buwan sa isang taon at 365 na araw sa isang taon.
- Ang Bahay Kubo bilang pamamaraan ng pagtatanim ng sari-saring halamang pagkain
Ang Bahay Kubo ay nagtuturo na dapat magtanim ng sari-saring halamang pagkain. Ang binabanggit sa awit ay 18:
- 1.singkamas 2. talong 3. sigarilyas 4.mani 5. sitao 6. batao 7. patani 8. kundol 9. patola 10. upo 11. kalabasa 12.labanos 13. mustasa 14.sibuyas 15. kamatis 16. bawang 17. luya
18. linga.
- Ang Bahay Kubo ay pantugon sa krisis sa Pilipinas at ibang bansa sa boong mundo: gutom, kahirapan, malnutrisyon at sakit.
Kung ating pagsisikapang isagawa at ipamuhay ang diwa ng Ang Bahay Kubo , ito ay pantugon sa krisis ng gutom, kahirapan, malnutrisyon at sakit. At mapapakinabangan dito sa Pilipinas at sa mga ibang bansa sa Asia, Africa at South America na kung saan may gutom, kahirapan, at sakit na dulot ng kawalan ng pagkain
- Ang Bahay Kubo, bilang kinagisnang teknolohiya ng paghahalaman ay tagapagturo:
- Nagtuturo ng kasipagan
- Nagtuturo ng mga dapat itanim: formula / wastong tanim
- Nagtuturo na huwag magpabaya na damo at halamang ligaw ang tumubo kundi gulay, halamang pagkain
- Nagtuturo ng halamang gamot sa gutom
- Nagtuturo ng halamang gamot at panlaban sa malnutrition at sakit
- Nagtuturo ng pampalakas at pampasigla ng katawan / pang-alis ng katamaran.
- Nagtuturo ng iba't ibang pamamaraan (creativity) at at iba't ibang uri ng tanim at paghahalaman (diversity)
HOT NEWS for the week
Mr. Tan mahilig sa VIRGIN???
Oo mga kababayan mahilig talaga si Mr. Tan sa mga Virgin, lalong lalo na yung... full text...
Kalan using denatured Alcohol in na in
Parami na ng parami ang mga taong gumagamit ng KALAN na... full text...
Gumaca, Quezon seminar with Landbank
Inilunsad na nga kamakailan ang seminar sa Gumaca, Quezon sa ... full text...
Bahay Kubo Franchised Outlet
01 CONCEPT ... bahay kubo, the Filipino way of the past. full text...
CARICA HERBAL HEALTH PRODUCTS
features....
FOR FREE SEMINARS ON LIVELIHOOD
contact us
NOW HOW TO MAKE
suka,
toyo,
coco burger,
macaroons,
vco,
soap
TLRC schedule for march
see sched